Miyerkules, Enero 29, 2014

Love is a temporary madness.- by St. Augustine.

"Love is a temporary madness. It erupts like an earthquake and then subsides. And when it subsides you have to make a decision. You have to work out whether your roots have become so entwined together that it is inconceivable that you should ever part. Because this is what love is. Love is not breathlessness, it is not excitement, it is not the promulgation of promises of eternal passion. That is just being "in love" which any of us can convince ourselves we are. Love itself is what is left over when being in love has burned away, and this is both an art and a fortunate accident. Your mother and I had it, we had roots that grew towards each other underground, and when all the pretty blossom had fallen from our branches we found that we were one tree and not two." 

WINTER, SPRING, SUMMER AND FALLING OUT OF LOVE.

Love is surprisingly unpredictable. Yesterday i was dancing on his music... It was a trance and i was dazzled. and now... I don't want to stop but i cannot hear the music anymore, i lost the rhythm. I'M FALLING OUT OF LOVE without him knowing that i fell and that im already falling out of it.
OH GOD!!! LOVE IS SOOO UNPREDICTABLE.
Please give him to me now that i have him...

MY BEAUTIFUL PUZZLE

All your life you wanted to have the answers to all your questions. You will do ANYTHING and everything to find that missing or let's say mysterious pieces so that you can now 'SOLVE' that certain puzzle. and when suddenly someone gave you the answers... the missing pieces... You just want to give it back because that's not what you are expecting to recieve. You'd rather ask questions forever... You'd rather search forever but not the answers... Oh heaven! not the answers... You expected so much out of that puzzle. You made it submit to your selfish standards but now that it's whole... There on your hands. You just want to throw it away and wished that you never started. Hated yourself because you've been seduced by its mystery. But... In the end.... You realized that you never regret having that puzzle in your life. You won't throw that puzzle. You've been solving it since forever, it became a part of you and you are so selfless (masochisticaly stupid) to have the will to keep it. 

Again. I made a decision. I'm not flying the plane anymore... Let the wind brave me.

I won't fight against the current of the river anymore.

I will swim with you. 

I feel for Yoon Seul... (Character from the korean drama Secret Garden)


I am not really fond of her character as Yoon Seul in the k-drama SECRET GARDEN but whenever i turn the TV on to watch the said drama, it's always her words...that moves me and makes my heart tremble.

“The thing about women is, the most common of women can become a queen, and the most rarefied woman can become a maid – according to how she is treated by the person she loves.” – Yoon Seul

“Are you that weak? Even if the distance seems far, run after him. Even if it feels like he isn’t next to you, grab on to him.” –Yoon Seul

“Being unable to eat and sleep is the basic thing. Waking up in the middle of the night will become a daily routine. Because the one you love has turned into someone else, you also can’t whine to each other for the fear of being scolded by that person. So, you cry by yourself. But what hurts the most is that person doesn’t actually miss me like the way I do. It’s like that person has forgotten about me and is simply being happy alone. All you want to do is die, but you can’t die either… because you’re scared that you won’t see that person again.” – Yoon Seul

Watching his back fading in a distance


It's hard to let go of him...
when i know that he's the one i've been waiting my whole life. 
It's hard to let go of him...
when i know that he's an answered prayer.
It's hard to let go of him...
when i know that he's my soulmate.
It's hard to let go of him...
when i know that he is everything that i want.
It's hard to let go of him...
when i know that he is everything that i'll ever need.
It's hard to let go of him...
when i know that i'll be missing him every single day of my life.
It's hard to let go of him...
when i know he's never mine to keep.

FAVORITE LINES FROM MOVIES

Bryan (Liam Neeson): I don't know who you are. I don't know what you want. If you are looking for ransom, I can tell you I don't have money. But what I do have are a very particular set of skills; skills I have acquired over a very long career. Skills that make me a nightmare for people like you. If you let me daughter go now, that'll be the end of it. I will not look for you, I will not pursue you. But if you don't, I will look for you, I will find you, and I will kill you. 

Marko (Albania Bad Guy): [after a long pause] Good luck



From the movie: A Walk to Remember

Landon: I'm sorry she never got her miracle.
Reverend Sullivan: She did. It was you.


Emperor: "Tell me of how he died"
Capt. Algren: "I will tell you of how he lived"
- The Last Samurai



ME AND MY BIG MOUTH

CUSTOMER: If you can look for the song La Tortura by Shakira that would be great.
ME: Oh yeah sure, Do you dance? it seems like you like Shakira a lot huh?
CUSTOMER: Oh yeah!!! I dance hiphop before but i stopped because i became anorexic. But i'm fine now.
ME: Oh really??! That's cool. I LOOOVE SKNINNY PEOPLE!
CUSTOMER: Yeah...
ME: Good thing you recovered. So what's your weight now??
CUSTOMER: A hundred and forty pounds.
ME: OH GEEZ YOU'RE HUGE!!

(LOL:)) WALNG PRENO PRENO

 Her name is Rebecca. She sounds very pretty and she's nice...we had a lil chat about just anything. I was almost falling for her when she saidi shes 5'3 and 140lbs. bigger than my mom. I AM MEAN. I KNOW. SINCE BIRTH!!! ;P

15 THINGS THAT I WOULD LOVE TO DO TOGETHER WITH MY FUTURE-MAN

I'm grinning like an a kiddo while doing this 'coz i feel so kiddish. I wasn't like this before. What's happening with me?!?!  lol :)) I AM SOOOO LOVE. I've done some of these though~
~*  Fly kites together while in a picnic.
~* Wear couple shirt or hoodie.
~*  Piggy back ride each other. lol :))
~*  I want him to tie my hair.
~*  Tooth brush together.
~*  Breakfast together while caressing each other's feet under the table.
~* Watch Detective movies together while competing on who will be the first to decode the clues.
~* Playing chess and him pretending to lose but the truth is that he just let me win out of love.^^
~* Him playing a musical instrument/singing for me. (~~,)
~* Doing kissing games and kissing non-stop from day till dawn. :-*
~* Talking on the phone while in the same room before going to sleep and saying mushy things.
~* Unplanned Getaway.
~* Buying groceries together.
~* Him folding paper cranes for me. >(^____~)
~*  Star gazing. (^ c ^)

Bakit masarap ang libre?

Oo alam ko kahapon 'to pero kasi kahapon ko talaga planong magsimulang mag blog ulit. Oo alam ko din na hindi ito blog page pero kaseeee...gustuhin ko mang gumawa ng panibagong blog eh hindi pwede gawa ng madami pa akong shit na kailangang tapusin.
Diary, diary muna...next time na yung topic talaga ang focus. Tsaka Tagalog muna...mag e-english ako pag trip 'ko.
Kahapon eh nagdala ng hotdog at slice bread yung boss ko para sa aming lahat. Tapos nakakain din kami ng libreng Donut at Ice cream gawa ng Anniversary ata ng kumpanya? Di ko na inalam. Hehe. ANDAMEEE!!! ANSARAP! at higit sa lahat eh LIBRE! Patay gutom ako sa lahat ng pagkain na libre. Andame kong nakain na hotdog. Pero ang totoo eh hindi talaga ako mahilig sa hotdog. Kung sa bahay yun at pera ko ang pinambili eh tyak hindi ko kakainin. Madalas din akong bigyan ng KITKAT nung isa kong ka-trabaho, tangina ansarap. Pero ang totoo eh hindi talaga ako mahilig sa tsokolate. Naging masarap lang dahil LIBRE. Iba talaga ang appeal sa'ken ng mga pagkaing libre. Virtue ko ata talaga ang GRATEFULNESS. :))
Kahapon din ako bumalik sa klase pagkatapos ng mahabang bakasyon ko dahil sa dengue. Na-miss naman ata nila ako hindi lang nila pinahalata. :D Ambabait sobra ng mga Prof. ko, hindi na kinuha yung Medical Certificate na binibigay ko, Okay na daw, alam naman daw nila ang nangyari tapos kinamusta pa 'ko. :)
Nagpaturo din pala ako sa mga tropa ko kung pano yung soulution dun sa BINARY etc. etc shit nung computer subject namin. Pointers kasi yun for midterms. Ang pagkaka-alala ko eh sinasabi ko sa lahat ng tao na BOBO ako sa MATH at malamang sa malamang eh nasabi ko sakanila yun pero nung nagpaturo ako eh hindi sila makapaniwala na may taong katulad ko na nag eexist sa mundo. Hindi kasi 'ko marunong mag subtract, mag divide at mag multiply ng manu-mano. Hindi ko rin alam ang 2x0 at 2x1 nalilito parin ako kung yung sa isa ba eh NUMBER ITSELF o yung sa isa eh ZERO. At ang totoo eh nagbabakod ako at nagbibilang gamit ang kamay. Hindi na nga siguro talaga appropriate yung adjective na BOBO saken, siguro eh dapat UTAK ALIKABOK na itawag saken pero sa MATH lang. MATALINO kasi ako kahit sa logic. Actually matalino ako sa lahat pwera MATH. Hindi ako nahihiyang magyabang kasi mayabang naman talaga ako since birth at wala naman kayong magagawa kasi page ko 'to. :) Pag nilagyan mo ng numero ang isang bagay eh hindi ko na maiintindihan. Pero okay lang...tanggap ko. Magaling naman ako sobra sa SCIENCE (BIOLOGY(heredity, human anatomy,) CHEMISTRY, PHYSICS, MEDICINE) ENGLISH, HISTORY, FILIPINO (depende sa prof.), POLITICS, RELIGION, PHILOSOPHY...etc.  Lahat ng subject sa mundo pwera MATH at COMPUTER PROGRAMMING pati narin EXCEL, ayoko yun. Magaling din ako sa ARTS, sa FASHION, sa WRITING. Tapos idealistic pa 'ko. Magaling din ako magkumpuni at mag mekaniko. Talented pa 'ko kasi magaling akong kumanta, mag drawing, um-acting at magaling din ako sa public speaking. PERFECT na 'ko masyado. Kung magiging matalino pa 'ko sa MATH eh BAKA MA CONQUER ko na ang mundo. Kaya okay na 'ko sa gan'to. :)
Pwede kayong magbasang ng ano pero wag yung trip ko. :D
P.S kahapon eh may T-SHIRT nanaman na pilit ipinapabili sa'min. Interesting naman gawa ng may ilalagay kang negative adjective o kahit ano na tumutukoy sa personality mo at ito'y i-piprint nila sa harapan nung T-shirt. Andame kong naisip na pwedeng negatibo tungkol saken. Tulad ng, baliw, abnormal, autistic, nerd, weirdo, freak, moody, patay gutom, maingay, at narcissist. ENDING eh nag settle ako sa NARCISSIST. :)

Schizophrenia

Writing is a socially acceptable form of schizophrenia. - E.L. Doctorow


Tinanggal ko yung limang taon ko ng blog page sa isang personal na dahilan. Nakakaiyak pero ok lang may back-up naman ako. Pero yung iba eh hindi ko na pinilit na i-save. Sabi ko eh mag ba-BLOG na 'ko ulet pero hindi ko talaga magawang isingit ang pag gagagawa ng mga ganun lalo na't ngayon eh hectic ako. (hectic?!??)
Simula nung minahal ko yung taong yun eh huminto na akong magsulat. Nainis lang ako sa sarili ko nang yung blog page ko eh nagmukha ng pocket book. Puro nalang tungkol sakanya yung mga naisusulat ko. Yung tipong wala akong ibang maisip, sya lang. Yung taong yun lang ang naging interesting para sa'kin. Oo na sakanya na umikot ang mundo ko. Ako na'ng shit.
Kaya ngayon eh pakiradam ko para akong batang papasok sa kinder. Pakiramdam ko kasi eh hindi ko na ata alam kung papano magsulat ng maayos. Pero tangina wala naman atang masyadong rules to eh, basta magsusulat nalang ako. Praktisin lang ulit. Andame lang kasing taeng nakaimbak sa utak ko na minsan sa sobrang dami eh nakakabaliw na. Pramis! Ang daldal ko na sa mga taong nakakasalamuha ko, tapos madalas ko pang kinakausap ang sarili ko, tapos eto pa't magsusulat ako. Sabihin nalang nating, for the sake of sanity. (sanity?!)
Hobby ko lang din naman 'to. For the sake of sanity nga eh.

Isa ngang bucket ng shit. Yung mada'eng yelo!

Hindi ako umiinom pero gusto kong uminom. Matagal ko nang pangarap ang uminom simula nung umalis yung taong source ng marami kong shit sa buhay...yung tipo ng inom na may hagulgol-tawa tapos unlimited na mura, (pero kasi hindi ko minumura yun kahit sa isip ko) pero eto nga't medyo naka-get-over na 'ko sakanya eh hindi parin ako magkaroon ng oras para uminom. Masyado kasing madaming shit ang nirerequire ng mga prof. ko. Yung tipo ng mga shit na hindi ko alam kung anong maitutulong sa buhay 'ko at sa buhay nila. Ok lang naman...mabait naman sila saken tsaka walang basagan ng trip. Trip nila yung mag trip ng ganun eh.
At eto nga, may bago nanaman akong source ng emotional bewilderment. (emotional bewilderment = shit) Pero hindi ko aaminin na apektado ako. Mataas pride ko eh. Hindi naman talaga ako affected masyado...ano lang. Ano lang...nafufrustrate lang. (magkaiba ba yun?)
Wag na nating pa-usapan yung bagong emotional bewilderment na yun. Inom nalang tayo? Nextweek. Mangangaladkad ako ng kainuman. Dami namang kaladkarin d'yan. Soju iinumin natin, masarap kasi yun...silent killer. Parang walang lasa kaya papanay-panayin mo, next thing you know eh sinusuka mo na pati yung mga dapat na i-tatae mo.
Balik aral ulit. Sumegwey lang...

Itago nalang natin sya sa pangalang MA'AM MISERABLE.

Ngayon ang expected exam ko sa dalawang subject ko for midterm dahil nga nagkasakit ako. Unfair yun kasi kahapon ko lang naman nakuha yung sobrang kapal na XEROX ng reviewer na ibinigay nung prof. namin na hindi nya lahat ipinakopya sa notebook kasi DALAWANG BESES palang naman syang pumapasok samin. Gusto kong magmura...andame nung laman nung reviewer for the exam kahit wala naman syang itinuro. Pwede na ba 'kong magmura? KING'NA. Major subject pa s'ya. Okay lang naman sana kasi mabilis naman ako maka memorya at medyo photographic memory din naman ako kaya ok lang. Kaya ko naman. Pero ang kaso pagkauwi ko ng bahay kagabi sa sobrang pagod eh nakatulog ako mula 5pm hanggang 6am. Hindi ako nagbasa, kaya sa JEEP ako nag-aral on the way sa eskwela. Ok parin...alam kong kaya kong pumasa sa exam kahit 40min. lang akong nag-aral nung sobrang kapal na reviewer na yun.
Eto na...pag dating ko late ako pero ok lang late din naman sya. Nagtataka nga ako kung bakit sya PRESENT. Hindi kasi normal yung pumapasok sya sa klase nya samin. (Buti nalang wala akong friends sa facebook na schoolmate ko, kundi patay ako) In-announce nya yung score ng mga exam. PERFECT score ang nakuha nitong isa kong kaklase. NANIKIP yung dibdib ko...kung may naka perfect eh kailangang maka perfect din ako. Malala kasi talaga yung pagiging perfectionist at competitiveness ko lalo na't pagdating sa grade. Yung tipong gusto kong magsaksak sa sarili pag mababa yung score ko sa test at mas mataas yung sa iba (PWERA SA MATH) ganun ako. So ganun na nga ang nangyari...ayoko nang mag exam gusto ko next week nalang. KAILANGAN KO KASING MAKA PERFECT, MABABALIW KASI TALAGA AKO PAG HINDI. Kaya tinanong ko si ma'am ngayon kung kelan exam. Ngayon na daw. Isang librong mura yung nasabi ko sa utak ko...Pano na 'ko ngayon?!?! Buti nalang na-postponed gawa ng may klase kami sa (INSERT SUBJECT HERE)...
...Pangalawang Klase. Nakuha ko na yung resulta nung exam ko. SINGKO grade ko...Si Ma'am Miserable (ITAGO NALANG NATIN SYA SA PANGALANG MA'AM MISERABLE) ang nag check. Yung score nya eh desisyon nya at hindi libro ang nag dikta. Tapos hindi nya pa tinanggap yung MEDICAL CERTIFICATE ko, ipakita ko daw sa guidance counselor at sila ang mag-aapprove nun pag na-approve nila tsaka nya palang daw i-aapprove. Nginitian ko parin sya at sumagot ng 'Ah ok po'...pero sa likod ng utak ko eh gusto ko na syang ratratin ng bala. AYAW NYA SAKEN. Ramdam ko yun...pero wala naman akong pakialam sa shit nya. Ok lang paborito naman ako ng majority ng mga propesor ko kaya alam ko sa sarili kong hindi ako ang may problema. Saksak nya sa baga nya yung presidente namin tutal paborito nya yun eh. Galit ata sya sa maganda eh, o baka bitter lang sya sa buhay nya kaya samin nya pinapasa. LAKAS NYA MAG POWER TRIP. TANG INA NYA. LAMUNIN NYA YUNG GRADE NYA. I-ENJOY NYA. Kung yan ang ikaka-satisfy ng miserable nyang buhay. PESTE.
...Lunch time. Cramming. Aral sa COMMSOC at ICT tapos pa-print nung project sa ICT. Buti nga nakakain pa 'ko sa sobrang init ng ulo ko. Naka kunot noo ko the whole time. After nung lunch time eh in-approach namin si Ma'am Ara para makapag-exam sya pero dahil busy sya eh next week nalang daw. ANSAYA. :)
...Hindi daw papaasok ang paborito kong propesor. Nalungkot ako kasi trip ko talagang magturo yun. Cool. Matalino pa, malalim tapos may sense, hindi yung puro shit lang. Maunawain din. Bias na bias ba 'ko??? Haha. :)) Hindi sya papasok...yun ang buong akala ko, pero pumasok sya. :) ANG SAYA. Galit sya samen nung nakaraan pero wala ako nun. Kaya ngayon eh nag-offer sya...bibigyan nya nalang kami ng GRADE pasado lahat tapos wag na mag klase. OK SANA YUN KUNG SI MA'AM MISERABLE ang nag-alok. Alam ko masama lang ang loob nya kaya nya sinabi yun...pero kung seryoso man sya o hindi eh AYOKO nung ideya. Bihira na nga lang ang matinong propesor eh mawawala pa.
...ICT, Huling subject. Mahal ako ni ma'am. Paborito ako nun, wag na daw akong mag exam at baka mabinat pa 'ko next week nalang daw o kung kelan ko gusto. Kinamusta pa 'ko. Kinuha nya rin yung project ko kahit nakalimutan kong lagyan ng border line. THANKYOU MA'AM. :)
Nag umpisa sa BAD DAY natapos sa OKAY DAY. Nice. Ambait talaga ni Lord.^^

TULA AKO. Maniwala kayo. tula talaga ako.

Ginawa ko 'tong tula para sakanya...mga 1 week palang pagkatapos nya umalis ng Pilipinas habang nasa klase. Hindi tapos kasi hindi naman talaga to seryosong tula...
Ako'y sa 'iyo
Sa'iyo na nasa aking ala-ala...
Ikaw na natatanging nais kong ipaglaba, ipagluto at makasama.
Ikaw na ibig kong masilayan sa aking bawat pag-gising sa umaga...
Sa'iyo na tinatawag kong aking mundo...
Sa'iyo na kumumpleto sa buhay ko...
Sa'iyo na nagmamay-ari ng puso ko...
Sa'iyo na tanging pangarap ko.

The only thing that interferes

Gusto ko yung pag-aaral at ang mag-aral, pero minsan naiinis na rin ako. Kagaya ngayon. Nakakainis na rin kasi pag may mga bagay na ipinipilit ipaaral at ipagawa sa'yo at hindi ka interesado dito. Hindi ka interesado kasi alam mong wala kang paggagamitan.
Natatandaan ko nung Grade 5 ako. Pinag-aralan namin yung iba't-ibang mga uri ng bato.(?) Mga Granite, mga ganun na hindi ko na maalala. Pina-project yun samin. Nagkatampuhan pa kami nung bestfriend ko dahil dun. Isang dekada na mula noon pero hindi ko pa nagagamit yung mga natutunan ko at wala pa akong nahihita sa pagkatuto ko sa mga batong yun.
Mathematics. Yan lang talaga ang subject na pinag-aaralan ko noon kasi kahit anong gawin ko eh hindi ko maintindihan. Tatlong araw ko yang inaaral pag may periodical exam pero hindi ko parin maintindihan. Pinag-aaralan ko, kasi gusto ko palaging maging honor student. Kahit alam kong ang Algebra, Trigonometry, Geometry, etc. ay hindi ko naman talaga kailangan. Ano bang paggagamitan ko nyang mga yan??? Pag nagutom ba ako o kaya ay nagkasakit at walang pera ay may magagawa ang Algebra, Trigonometry at Geometry? Minsan naisip ko na sa bansang mahirap katulad ng Pilipinas ay baka mas praktikal aralin ang iba't-ibang paraan ng pagnanakaw. (eg. Panghoholdap ng bangko, pang i-isnatch, pangungurakot etc.) Malay natin, baka yun pala ang major nung mga nakaupo ngayon sa pwesto. Baka rin nag 'MASTERALS' sila sa ganun.
Hindi ko alam kung bitter lang ako kasi bobo ako sa Math o talagang walang sense ang aralin ang Algebra at ang mga bato para sa isang tulad ko na ang pangarap lang naman ay maging isang abugado at Presidente ng Pilipinas.
Buti pa noong mga sinaunang panahon. Pag isa kang mandirigma, ang aaralin mo lang ay kung paano humawak ng armas, pano umasinta gamit ang palaso, pano mangabayo at ang iba't ibang paraan ng pakikipag-upakan. Pag metalsmith ka eh metal at mga bagay na kaugnay lang sa metal ang pag-aaralan mo. etc.
Sana parang GLOBE POSTPAID ang curriculum. Pwede kang mamili ng pag-aaralan. Kaunti lang naman ang pipiliin ko. RELIGION, ENGLISH, SOCIOLOGY, PHILOSOPHY, STATISTICS, at mga subject na may direktang kaugnayan sa kurso kong BROADCAST COMMUNICATION.
Minsan hindi ko mapigilang isipin na kaya lang tayo pinipilit mag-aral at binigyan ng mga ganyang curriculum ay para maging bobo tayo. Para hindi tayo mag-isip. Ayaw nila tayong mag-isip kaya binibigyan nila tayo ng kung anu-anong iisipin. Baka pag nag-isip tayo ay mas marami tayong makita at mas marami pa tayong maisip. Baka malaman natin yung mga ginagawa nila, at baka magkaroon tayo ideya kung ano ang totoong TAMA at kung ano ang totoong MALI.
Praning lang ata talaga ako...

Why not AGAPE?

We normally hear people say that we should only marry someone who will truly love us, and someone who is willing to do everything for us. I find the idea absurd.
Why do we see love that way???
Why does it have to be like that all the time?
Why can't I love him, for the sole reason that I LOVE HIM?
Why must we demand a heart to beat for us?
Why does it have to be CONDITIONAL all the time?
Why do we set standards?
Why do we justify love with happiness and comfort when love is above all these things and is greater than ourselves?
Why can't it be selfless?
Why can't it be love and love and just love?

STONED

STONED

I'm not moving...
I'm not breathing...
I'm not thinking...
I'm just watching our past...passing by...
Getting used to the sound of my beating heart that was once beating with yours...
Refusing to let my tears to drop...
...In this eternity of silence
I don't want to wake up...
Let me dream of you, possess you, dance with you...
...'till all the music of  heavens stop.

MAKINIG KA LANG

Totoong tao ako mula ulo hanggang paa, mula puso, utak hanggang kaluluwa.
Hindi ko kailangan ng BEER, YOSI, ALKOHOL, GADGET, TROPA at DROGA para sumaya.
wala rin akong pakialam sa tinatawag nilang "SENSE OF BELONGINGNESS".
Hindi ko ni minsan hiniling na mapabilang sa isang grupo o sistema para matawag ko ang sarili kong "BELONG".
Mag-isa man o may kasama kaya ko paring tumawa at maging masaya.
Kaya kong kumain ng mag-isa.
Makipag-laro ng chess at scrabble sa sarili ko.
At pumunta kahit saan ng walang kasama.
Ayoko ko ng magulo, kasi magulo na nga ang utak ko dadagdag pa kayo.
Kung maingay ang bibig ko pitong libong beses na mas maingay ang utak ko.
Makikita agad sa mukha ko ang nararamdaman ng puso ko, hindi ako ngingiti kung hindi ako natutuwa lalo na kung para lamang sa tinatawag nilang 'PLASTIKAN LANG.' o 'KAHIT PAKITANG TAO NALANG'.
Pumapatak agad ang luha ko pag may nakikita akong nasasaktan kahit pa ito'y ang aking kaaway.
Ayoko ng RACIST at kahit anu pamang uri ng DISKRIMINASYON sa kapwa. Sapagkat para saakin magkakamukha lang ang ating mga kaluluwa.
At sa huli...kaluluwa lang naman talaga ang matitira.

Gusto kita. Oo ikaw. Ikaw na nakikinig lang sa puso ko. Ikaw na hindi ako hinuhusgahan. Ikaw na hindi nakakahon ang utak.

Paglisan... (ISANG TALUMPATI)

Mga bagong bayani. Ito ang palagian kong naririnig na itinatawag sa ating mga kababayan na nagtatrabaho sa ibang bansa. Sila ang mga OFW o Overseas Filipino Workers. Sila ang mga bagong bayani ng kasalukuyang panahon. At sila ang nagpapasok ng dolyar sa ating bansa, dolyar na pambayad utang natin sa mga banyaga.
Ako si Jia at binabati ko ang bawat isa ng isang mapagpalayang hapon. Ako ay tumatayo sa inyong harapan upang ipahayag ang aking nararamdaman patungkol sa paglisan.
Mga kabataan, Ito ay isang talumpati, subalit mas ibig kong isapuso ninyo na ito ay isang liham. Liham na nawa’y pumukaw sainyong damdaming makabayan.
Mga kabataan nariyan pa ba kayo? Kung nariyan pa ay nagagalak ako. Marami na kasi ang lumisan… Marami na kasi ang nang iwan.
“Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan” yan ay ang sinambit ng ating pambansang bayani na si Gat. Jose Rizal. “Palayain ang bayan ng ating mga anak!” yan naman ang mga huling salita na namutawi sa mga labi ng aking paboritong bayani na si Gabriela Silang. Naniniwala akong hindi lamang kalayaan ng ating bansa ang ipinaglaban ng mga pambansang bayaning tulad nila. Kanila ring ipinaglaban ang pag-asang kakabit nito. Pag-asa ng patuloy na pagsibol ng mga bagong bayani na magtatanggol, aakay, magdaramit, aangat at mananatiling tapat sa ating inang bayan.
Subalit nasaan sila? Nasaan? Wala na ba? Andiyan pa ba? Lumisan na ba? Nasaan na sila??? At ang mga naandito pa, naandito pa nga ba? At ang mga susunod bang henerasyon ay mananatili pa???
Ito ang mga katanungang kasalukuyang dumudurog sa aking puso at bumabagabag sa aking isipan. Isinusuka ng aking buong pagkatao ang sistemang umiiral sa bansang ito. Sistemang kolonyal na animo'y isang putang mapang-akit na nagpapalisan sa ating mga kababayan kapalit ng isang mataas na antas ng pamumuhay. At hindi ko pinaniniwalaang bunga ito ng kahirapan lamang. Mas pinaniniwalaan kong bunga ito ng ating makabanyagang kaisipan.
Ang Ingles na isang banyagang wika ay mas nauuna nang natututunan ng mga paslit ngayon. Higit tayong nasisiyahan sa mga bagay na imported. Hindi ba’t kinukunan pa natin ito ng mga litratro at ipinakikita sa lahat gamit ang mga social networking sites? Sino ang hindi umaawit ng mga kanta ni Beyonce at sino ang hindi sumasayaw sa saliw ng tugtuging nagmula sa boses ni Rihanna? At higit sa lahat, sino ang hindi pa nakakapanood ng mga banyagang pelikula? Ako man ay labis na nahuhumaling sa mga Koreanong musika at Koreanong pelikula. Sa palagay ko ay hindi lamang sa ating bansa nauuso ang mga tulad nito. Ang mga ito ay maaring normal lamang sa buong mundo, subalit may isang bagay lamang akong hindi malunok sa ‘Colonial mentality’ na ito. Ito ay ang katotohanang ang madaming bilang ng mga kabataan sa panahon ngayon ay tinuturuang mangarap ng ‘dual citezenship’, green card, American dream at marangyang buhay sa labas ng bansa.



Nakakapang-akit nga naman ang isnow. Nakakapang-akit nga naman ang mabuhay sa isang bansang walang binabayarang buwis. Nakakapang-akit nga naman ang nagtataasang gusali, ang hanging amoy imported, ang burgis na mga kagamitan, mga branded na damit, malinis na kakalsadahan, naglalakihang establisyemento at higit sa lahat ang malutong na dolyar na iyong kikitain. Sino ba naman ang hindi naiinis sa mabahong siyudad ng Maynila? Sino ang hindi nagsasawa sa mga pagmumukha ng mga mamamayang walang disiplinang nagkakalat at dumudura kung saan saan? Sino ba ang hindi napipikon sa napakainit na klimang mayroon tayo? Sino ba ang hindi naaakit na mapabilang sa isang ‘First World Country’? At higit sa lahat, sino ba ang ayaw tumakas sa mahirap na buhay na naghihintay sa mga mananatili? Mahirap ang Pilipinas. Batid ito ng buong mundo,at higit sa kanino pa man ay batid natin ito.
Tumakas ka! Yan na lamang ang tanging pag-asa! Tumakas ka at dalhin mo ang iyong buong pamilya. Palakihin mo sa ibang bayan ang iyong mga anak at ang kanilang mga magiging anak. Akapin mo ang kanilang kultura at ibigin ang kanilang mga gawi. Isabuhay mo rin ito, Isuot mo ito at ipahayag mo ito sa iyong slang na pananalita. Umuwi ka sa iyong bayan na dala dala ang lahat ng ito. Ibaon mo ito kasama ng mga Balik Bayan Box na iuuwi mo. Yun ay kung babalik ka pa at maiisipan mo pang lumingon sa bayan mo. Ok lang iyan. ‘Practicality’ naman ang tawag diyan. Walang masama diyan. Ang totoo nga ay mabuti iyan. Hindi ba’t mga bagong bayani ang tawag ng midya sa mga lumilisan? Mag-aral ka ng apat na taon at ipasa mo ang licensure exam upang ikaw ay makapagtrabaho sa ibang bansa. Sulit naman lalo’t ang kapalit ng lahat ay ‘green card’. Ituro mo rin sa iyong anak na lumisan balang araw. Mabuti iyan! Palagi mong tatandaan na kung ano ang mabuti na sinasabi ng midya ay iyon ang totoong mabuti. Mabuti nga iyan! Mabuti. Mabuti. Mabuti. Hinayupak na mabuti iyan.
Mabuti. Higit nga bang mabuti ang paglisan kaysa sa pagiging makabayan? Higit nga bang mabuti ang marangyang buhay sa ibang bansa kaysa sa pagkakaroon ng marangyang bayan? Higit nga bang mabuti ang karangyaan kaysa sa kalayaan? Higit nga bang mas mahalaga ang ating sarili kaysa sa nakararami? Higit nga bang mahalaga ang iyong pangarap kaysa sa pangarap ng ating mga bayani?
Isa-isa na silang lumilisan. Marami na ang lumimot at hindi na bumalik. Nangangamba akong maglaho ang mga kabataang tulad ninyo na nasa aking harapan ngayon. Kayo na pinanghawakang magiging pag-asa ng bayan, Labis ang aking pangamba na isang umaga, sa aking pag-gising ay wala na pala ang lahat ng pinanaligan at ipinaglaban ng ating mga mandirigmang bayan.
Nagmamakaawa ako aking mga minamahal na kabataan. Wag kayong lumisan. Makialam kayo at magtulungang paramtan ang ating hubad at inaaping inang bayan. Dito lamang kayo at buohin ang isang mayaman at malayang Pilipinas. Isang Pilipinas na kayang makipagsabayan sa yaman, galling at talino ng iba pang bansa. Dito lamang kayo at manatiling tapat. Dito lamang kayo at pagtulungan nating pag-alabin ang patriotismo at nasyonalismo sa mga kabataang susunod sa ating henerasyon. Dito lamang kayo at huwag nating siyang iiwan. Siya ang ating ina sapagkat tayo ay nagmula sakanya. Siya ang ating tanging ina sa kabila ng kanyang mga pagkukulang at kahinaan. Siya ang ating ina na dapat nating paglingkuran at ipaglaban. Tayo ay mamatay para sakanya, subalit kung ito ay hindi man posible, tayo ay manatili.
Aking mga minamahal na kabatan… Wag ninyong kalilimutan na kayo at tanging kayo lamang ang pag-asa ng bayan. Muli, dito lamang kayo at manatiling isang Pilipino.

Quota

Dumating na ata ako sa puntong quota na. Wala na akong nararamdaman pa para sa noon, sa ngayon at sa kung sino mang darating sa hinaharap. Hindi ko alam kung pinatay ko bang sadya, kung may pumatay o namatay lang ng kusa. Pero wala na akong maramdaman at hindi ko na pinaniniwalaan yung mga bagay na dati kong pinanghahawakan. FOREVER, HAPPY ENDING, SOULMATE, FATE, DESTINY at TRUE LOVE. Ang lahat ng mga yan ay pawang mga karakter na lamang sa mga romantikong nobela at palabas. Aah, hindi ko alam kung saan patutungo ang pagtipang ito na ginagawa ko...mabilis, napakabilis...pero hindi alam kung may patutunguhan. 

Sa darating na ikaw, Mahal kita.

Yan na lang muna. Yan nalang kasi ang natitira...

SI EL HOMBRE PUDIERA DECIR LO QUE AMA

SI EL HOMBRE PUDIERA DECIR LO QUE AMA

By Luis Cernuda
Si el hombre pudiera decir lo que ama,si el hombre pudiera levantar su amor por el cielocomo una nube en la luz;si como muros que se derrumban,para saludar la verdad erguida en medio,pudiera derrumbar su cuerpo,dejando sólo la verdad de su amor,la verdad de sí mismo,que no se llama gloria, fortuna o ambición,sino amor o deseo,yo sería aquel que imaginaba;aquel que con su lengua, sus ojos y sus manosproclama ante los hombres la verdad ignorada,la verdad de su amor verdadero.

Libertad no conozco sino la libertad de estar preso en alguiencuyo nombre no puedo oír sin escalofrío;alguien por quien me olvido de esta existencia mezquinapor quien el día y la noche son para mí lo que quiera,y mi cuerpo y espíritu flotan en su cuerpo y espíritucomo leños perdidos que el mar anega o levantalibremente, con la libertad del amor,la única libertad que me exalta,la única libertad por que muero.

Tú justificas mi existencia:si no te conozco, no he vivido;si muero sin conocerte, no muero,  porque no he vivido.

Pautot nga

Umiyak ako kaninang umaga at alam ng lahat na hindi ako pala iyak. Umasa kasi akong posible kong ipagkatiwala sa isang tao ang isang task na naging daan para mag fail yung grupo. Fail as in WALA, nganga, hindi nakapag pasa. KASALANAN KO INIASA KO. Pero nakakalungkot lang yung pakiramdam na hindi ako pwedeng magpahinga. Na parang sa lahat ng pagkakataon ay RESPONSABLE akong maging malakas kahit na ang totoo ay nanghihina na. Pwede akong mag dahilan na in-charge ako sa nakaraang task na talagang paguran at buwis kalusugan at ngayon ay in-charge nanaman sa isa pang task at yun ay habang ako lahat sa bahay at may trabaho ring iniisip maliban pa sa mga solong gawain. Pero hindi ko ugaling magdahilan. PALAGI DAPAT NA AKO ANG MAY KASALANAN. Para matuto ako at hindi na ulitin ang kamalian. Iniasa ko kasi madali lang naman talaga yung gawain at magaling naman din yung taong yun sa ganung bagay. Pero hindi pala dapat iasa sa magaling. Naisip ko na mas mahusay ang isang taong RESPONSABLE kaysa sa magaling. Pero ganunpaman, hindi ako nagalit. Una, dahil wala namang maitutulong ang galit. SOLUSYON bago EMOSYON, parati naman akong ganun. Ikalawa, wala akong kakayahang magalit ng mababaw. Pipiliin ko nalang na magpasensya o wawarlahin kita at sisiguraduhin kong hindi mo ako makakalimutan. Pero ang huli ay imposible ko ng gawin. Pinipilit ko na kasing magpaka NICE. Hindi raw kasi dapat nakikilala ang isang Kristyano sa magaspang na pag uugali. Mahirap oo, pero nasasanay na rin kahit papano.

Tapos ay napag desisyunan nalang na gumawa ang buong grupo at yung taong yun ay nagdesisyon na gumawa ng mag-isa para parin sa grupo. At habang gumagawa na kami, bigla siyang nagtext "Sira yung laptop hindi ako makakagawa." INHALE. EXHALE. MOVE ON. 

Nakapagpasa kami.  Late nga lang at hindi ko pa alam kung mapagbibigyan ba yung pagiging late namin. Tsaka ko nalang poproblemahin at iiiyakan pag andiyan na. Sa ngayon mas pinipili kong tutukan ang iba pang gawain, matuto sa pangyayaring ito at maging masaya nalang.
___________________
DISCLAIMER: Hindi ko friend yung taong 'to sa facebook pati ang mga malalapit sakanya. Pati narin yung ibang taong involve dito. Kaya wala akong intensiyon na magparinig o magpatama sa kahit na sino. Gusto ko lang na maglabas ng sama ng loob na hindi ko na nailalabas sa totoong buhay.

NEVER SAY SORRY FOR BEING ME

Never apologize for pursuing what makes you happy. Even if you need to quit your job, transfer schools, or move across country, always do what you really want.

2. Never apologize for using proper English. Keeping it real doesn't mean speaking Ebonics.

3. Never apologize for giving your best in a relationship that just didn't work out.

4. Never apologize for being successful. Only haters want to keep you at their level.

5. Never apologize for crying. Wear waterproof mascara and express yourself.

6. Never apologize for ten pounds you need to lose. People who truly care about you will accept you as you are.

7. Never apologize for being frugal. Just because you save your money instead of blowing it on the latest fashion emergency doesn't mean you're cheap.

8. Don't apologize for being a single mom. Babies are a blessing.

9. Never apologize for treating yourself to something special. Sometimes you have to show yourself some appreciation.

10. Never apologize for leaving an abusive relationship. Your safety should always be a priority.

11. Never apologize for keeping the ring even if wedding bells won't chime.

12. Never apologize for setting high standards in a relationship. You know what you can tolerate and what simply gets on your nerves.

13. Never apologize for saying NO.

14. Never apologize for asking for what you want in bed. If you don't, then who will?

Blogging about a blog

I had and eight year old blog and I shut it down for some reasons. Now I have to open another blog and hopefully things will be awesome. It will be awesome.

I picked 'UP UP AND AWAY' as my blog title because to me it sounds really conquering, victorious and positive. I heard it first from Buzz Lightyear, y'know the green robot guy on Toy Story?

And 'on for the world domination..." because I will dominate the world. *villain laughs* Just kidding. It just sounds really powerful. Suits me :)