Umiyak ako kaninang umaga at alam ng lahat na hindi ako pala iyak. Umasa kasi akong posible kong ipagkatiwala sa isang tao ang isang task na naging daan para mag fail yung grupo. Fail as in WALA, nganga, hindi nakapag pasa. KASALANAN KO INIASA KO. Pero nakakalungkot lang yung pakiramdam na hindi ako pwedeng magpahinga. Na parang sa lahat ng pagkakataon ay RESPONSABLE akong maging malakas kahit na ang totoo ay nanghihina na. Pwede akong mag dahilan na in-charge ako sa nakaraang task na talagang paguran at buwis kalusugan at ngayon ay in-charge nanaman sa isa pang task at yun ay habang ako lahat sa bahay at may trabaho ring iniisip maliban pa sa mga solong gawain. Pero hindi ko ugaling magdahilan. PALAGI DAPAT NA AKO ANG MAY KASALANAN. Para matuto ako at hindi na ulitin ang kamalian. Iniasa ko kasi madali lang naman talaga yung gawain at magaling naman din yung taong yun sa ganung bagay. Pero hindi pala dapat iasa sa magaling. Naisip ko na mas mahusay ang isang taong RESPONSABLE kaysa sa magaling. Pero ganunpaman, hindi ako nagalit. Una, dahil wala namang maitutulong ang galit. SOLUSYON bago EMOSYON, parati naman akong ganun. Ikalawa, wala akong kakayahang magalit ng mababaw. Pipiliin ko nalang na magpasensya o wawarlahin kita at sisiguraduhin kong hindi mo ako makakalimutan. Pero ang huli ay imposible ko ng gawin. Pinipilit ko na kasing magpaka NICE. Hindi raw kasi dapat nakikilala ang isang Kristyano sa magaspang na pag uugali. Mahirap oo, pero nasasanay na rin kahit papano.
Tapos ay napag desisyunan nalang na gumawa ang buong grupo at yung taong yun ay nagdesisyon na gumawa ng mag-isa para parin sa grupo. At habang gumagawa na kami, bigla siyang nagtext "Sira yung laptop hindi ako makakagawa." INHALE. EXHALE. MOVE ON.
Nakapagpasa kami. Late nga lang at hindi ko pa alam kung mapagbibigyan ba yung pagiging late namin. Tsaka ko nalang poproblemahin at iiiyakan pag andiyan na. Sa ngayon mas pinipili kong tutukan ang iba pang gawain, matuto sa pangyayaring ito at maging masaya nalang.
___________________
DISCLAIMER: Hindi ko friend yung taong 'to sa facebook pati ang mga malalapit sakanya. Pati narin yung ibang taong involve dito. Kaya wala akong intensiyon na magparinig o magpatama sa kahit na sino. Gusto ko lang na maglabas ng sama ng loob na hindi ko na nailalabas sa totoong buhay.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento