Oo alam ko kahapon 'to pero kasi kahapon ko talaga planong magsimulang mag blog ulit. Oo alam ko din na hindi ito blog page pero kaseeee...gustuhin ko mang gumawa ng panibagong blog eh hindi pwede gawa ng madami pa akong shit na kailangang tapusin.
Diary, diary muna...next time na yung topic talaga ang focus. Tsaka Tagalog muna...mag e-english ako pag trip 'ko.
Kahapon eh nagdala ng hotdog at slice bread yung boss ko para sa aming lahat. Tapos nakakain din kami ng libreng Donut at Ice cream gawa ng Anniversary ata ng kumpanya? Di ko na inalam. Hehe. ANDAMEEE!!! ANSARAP! at higit sa lahat eh LIBRE! Patay gutom ako sa lahat ng pagkain na libre. Andame kong nakain na hotdog. Pero ang totoo eh hindi talaga ako mahilig sa hotdog. Kung sa bahay yun at pera ko ang pinambili eh tyak hindi ko kakainin. Madalas din akong bigyan ng KITKAT nung isa kong ka-trabaho, tangina ansarap. Pero ang totoo eh hindi talaga ako mahilig sa tsokolate. Naging masarap lang dahil LIBRE. Iba talaga ang appeal sa'ken ng mga pagkaing libre. Virtue ko ata talaga ang GRATEFULNESS. :))
Kahapon din ako bumalik sa klase pagkatapos ng mahabang bakasyon ko dahil sa dengue. Na-miss naman ata nila ako hindi lang nila pinahalata. :D Ambabait sobra ng mga Prof. ko, hindi na kinuha yung Medical Certificate na binibigay ko, Okay na daw, alam naman daw nila ang nangyari tapos kinamusta pa 'ko. :)
Nagpaturo din pala ako sa mga tropa ko kung pano yung soulution dun sa BINARY etc. etc shit nung computer subject namin. Pointers kasi yun for midterms. Ang pagkaka-alala ko eh sinasabi ko sa lahat ng tao na BOBO ako sa MATH at malamang sa malamang eh nasabi ko sakanila yun pero nung nagpaturo ako eh hindi sila makapaniwala na may taong katulad ko na nag eexist sa mundo. Hindi kasi 'ko marunong mag subtract, mag divide at mag multiply ng manu-mano. Hindi ko rin alam ang 2x0 at 2x1 nalilito parin ako kung yung sa isa ba eh NUMBER ITSELF o yung sa isa eh ZERO. At ang totoo eh nagbabakod ako at nagbibilang gamit ang kamay. Hindi na nga siguro talaga appropriate yung adjective na BOBO saken, siguro eh dapat UTAK ALIKABOK na itawag saken pero sa MATH lang. MATALINO kasi ako kahit sa logic. Actually matalino ako sa lahat pwera MATH. Hindi ako nahihiyang magyabang kasi mayabang naman talaga ako since birth at wala naman kayong magagawa kasi page ko 'to. :) Pag nilagyan mo ng numero ang isang bagay eh hindi ko na maiintindihan. Pero okay lang...tanggap ko. Magaling naman ako sobra sa SCIENCE (BIOLOGY(heredity, human anatomy,) CHEMISTRY, PHYSICS, MEDICINE) ENGLISH, HISTORY, FILIPINO (depende sa prof.), POLITICS, RELIGION, PHILOSOPHY...etc. Lahat ng subject sa mundo pwera MATH at COMPUTER PROGRAMMING pati narin EXCEL, ayoko yun. Magaling din ako sa ARTS, sa FASHION, sa WRITING. Tapos idealistic pa 'ko. Magaling din ako magkumpuni at mag mekaniko. Talented pa 'ko kasi magaling akong kumanta, mag drawing, um-acting at magaling din ako sa public speaking. PERFECT na 'ko masyado. Kung magiging matalino pa 'ko sa MATH eh BAKA MA CONQUER ko na ang mundo. Kaya okay na 'ko sa gan'to. :)
Pwede kayong magbasang ng ano pero wag yung trip ko. :D
P.S kahapon eh may T-SHIRT nanaman na pilit ipinapabili sa'min. Interesting naman gawa ng may ilalagay kang negative adjective o kahit ano na tumutukoy sa personality mo at ito'y i-piprint nila sa harapan nung T-shirt. Andame kong naisip na pwedeng negatibo tungkol saken. Tulad ng, baliw, abnormal, autistic, nerd, weirdo, freak, moody, patay gutom, maingay, at narcissist. ENDING eh nag settle ako sa NARCISSIST. :)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento