Dumating na ata ako sa puntong quota na. Wala na akong nararamdaman pa para sa noon, sa ngayon at sa kung sino mang darating sa hinaharap. Hindi ko alam kung pinatay ko bang sadya, kung may pumatay o namatay lang ng kusa. Pero wala na akong maramdaman at hindi ko na pinaniniwalaan yung mga bagay na dati kong pinanghahawakan. FOREVER, HAPPY ENDING, SOULMATE, FATE, DESTINY at TRUE LOVE. Ang lahat ng mga yan ay pawang mga karakter na lamang sa mga romantikong nobela at palabas. Aah, hindi ko alam kung saan patutungo ang pagtipang ito na ginagawa ko...mabilis, napakabilis...pero hindi alam kung may patutunguhan.
Sa darating na ikaw, Mahal kita.
Yan na lang muna. Yan nalang kasi ang natitira...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento