Hindi ako umiinom pero gusto kong uminom. Matagal ko nang pangarap ang uminom simula nung umalis yung taong source ng marami kong shit sa buhay...yung tipo ng inom na may hagulgol-tawa tapos unlimited na mura, (pero kasi hindi ko minumura yun kahit sa isip ko) pero eto nga't medyo naka-get-over na 'ko sakanya eh hindi parin ako magkaroon ng oras para uminom. Masyado kasing madaming shit ang nirerequire ng mga prof. ko. Yung tipo ng mga shit na hindi ko alam kung anong maitutulong sa buhay 'ko at sa buhay nila. Ok lang naman...mabait naman sila saken tsaka walang basagan ng trip. Trip nila yung mag trip ng ganun eh.
At eto nga, may bago nanaman akong source ng emotional bewilderment. (emotional bewilderment = shit) Pero hindi ko aaminin na apektado ako. Mataas pride ko eh. Hindi naman talaga ako affected masyado...ano lang. Ano lang...nafufrustrate lang. (magkaiba ba yun?)
Wag na nating pa-usapan yung bagong emotional bewilderment na yun. Inom nalang tayo? Nextweek. Mangangaladkad ako ng kainuman. Dami namang kaladkarin d'yan. Soju iinumin natin, masarap kasi yun...silent killer. Parang walang lasa kaya papanay-panayin mo, next thing you know eh sinusuka mo na pati yung mga dapat na i-tatae mo.
Balik aral ulit. Sumegwey lang...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento